May Kwento Ba Ang Mga Talunan?

Bobo,

Tanga,

Utak munggo,

Walang kwenta,

Salot sa lipunan,

Pabigat,

Talunan,

Talunan,

Pabigat,

Salot sa lipunan,

Walang kwenta,

Utak munggo,

Tanga,

Bobo,

ISA KANG TALUNAN!

 

Talunan. Oo, isa akong dakilang talunan,

Na sabi ng mga matatanda, bagsak ko ay kangkungan,

Na kahit anong gawin ko hindi ako uusad,

Hindi ako matatapos,

At patuloy na madadapa.

 

Lagi na lang nadadapa,

Hindi lang talunan, isa pang dakilang lampa.

 

Ang sabi nila, ayos lang madapa,

Babangon ka rin,

Ayos lang yan,

Makakaahon ka rin.

 

Na balang araw matutunan mo ding lumangoy,

Na balang araw matutunan mo ding tumayo,

Sabi nila ayos lang yan,

Wag mo masyadong damdamin,

Wag mo masyadong isipin,

Wag ka masyadong magdrama,

 

Wag mong idama,

Wag mong ipagsiksikan saiyong dibdib,

Dahil balang araw,

Makakausad din.

 

 

Pero paano kung hindi na dumating ang balang araw?

Paano kung hindi na ako matutong tumayo?

Paano kung hindi na ako matutong lumangoy?

Paano kung hindi ako makabangon?

Paano kung matuluyan na akong malunod?

 

Na kahit anong gawin ko, hindi na ako makausad,

Na kahit pagpilitan kong lumangoy, sa huli ako’y malulunod,

 

Paano kung umabot na ako sa punto na ayaw ko na?

Hindi ko na kaya at hahayaan na lang lunurin ng malaking alon,

Magpatalo na lamang kaya ako,

Dahil alam ko,

Niloloko ko lang ang sarili ko,

 

Dahil isa akong talunan,

Talunan. Oo, isa akong dakilang talunan,

Na wala na akong ginawa kundi katangahan,

Na ginawa ko lang ang sarili na katatawanan,

Na etong buhay ko wala ng patutunguhan.

 

Mas maganda raw hindi na lang ako isinilang,

Na mas maganda na namatay na lang ako,

Dahil sinasayang ko lang ang buhay ko,

Na ang isang talunang katulad ko ay hindi karapat dapat dito,

 

Palagi na lang nagkakamali,

Wala ng ginawang tama,

Kamatayan na lang kaya ang aking piliin

Dahil yun naman ay saakin idinidiin

 

Pilit lumalangoy,

Kahit ako’y lunod na lunod na,

Pinagpipilitan ang sarili,

Na paghinga ay namimilipit,

 

Pilit inaabot,

Kahit ako’y binabato,

 

Pilit ginagawa ang lahat,

Dahil simple lang ang hangad,

Ayoko na maging talunan,

Kahit ako’y nagmumukhang hangal

 

Ang sabi nila huwag akong titigil,

Huwag akong magpapigil,

Sa mga boses na gumigigil,

Pinagtatawanan kung ano at sino ako,

 

Isang talunan.

 

Ang sabi nila huwag akong makinig,

Huwag akong magpayanig,

Sa mga nakakasukang tinig,

Na nagsasabi na ako’y isang dakilang hangal,

 

Isang talunan.

 

Nakakatuwa.

Nakakatawa.

Nakakapang-gigil.

Nakakapang gigil.

Nakakapang gigil!

 

Nakakapang gigil sa…galit!

Na para akong yinayanig sa kanilang salita,

 

Sa bawat saglit,

Na ako’y hinahampas nila ng mga pananalita,

Na parang mga dinamita,

Sunod sunod akong kinakatay,

Unti unti, hanggang ang kaluluwa’y mamatay

 

Hindi nila nararamdaman,

Wala silang alam!

Sila ang tunay na hangal!

Sila ang tunay na walang alam!

Dahil wala silang alam kung paano maging isang talunan,

 

Na hindi na sinundo ng balang araw,

Na napagod na ang mga paa sa kakatayo,

Na unti unting hinihila pababa,

Hangga’t matuluyan ng malunod,

 

May kwento ba ang mga talunan?

Ang mga taong lumaban pero natalo?

Ang mga taong lumaban pero sumuko?

Ang mga taong lumaban pero napagod?

 

Ang mga taong lumaban naman kahit papano.

a.t.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s