HANGGANG SA PINAKAHULING GUHIT NG LETRA

sa mundong nadidiligan,
ng poot,
ng mga salot,
ng mga yamot,
ng mga takot,
ng mga taong nangangati,
makahanap ng kaluwagan,
sa kakulangan,
mga taong nangangati,
makahanap ng karunungan,
sa kasinungalingan,

papel at lapis ang tanging kaibigan,

sa bawat pagguhit ng letra,
ang siyang ibubura,
lulukutin,
pupunitin,
hangga’t sa ito’y masira,
lilikha muli ng panibago,
nakakagago,

kahit pabago bago,
kahit nakakapagod,
kahit paulit ulit,
kahit nakakatuliro,

ang mahalaga ay ito’y tapusin,
hindi man ngayon,
hindi man bukas,
sa susunod na araw o sa makalawa,

pipilitin,
kahit paulit ulit,
magsusulat,
kahit buburahin,
kahit na nakakarindi na ang mundo,
magpakabingi,

dahil sa mundong tinitirhan,
na ang kasamaan at kabutihan,
ay pinagsama,
hindi alam kung sino ang masama,
hindi alam kung sino ang tama,

tanging pluma ang nasa tabi,
ito ang humalik saiyong labi,
bumulong saiyong tainga,
na huwag kang maging tanga,
pinapaalala sayo,
na huwag kang makinig sa mga tuso,
at sundin lamang payo ng puso,

dahil sa mundong kinagagalawan,
papel at lapis ang tanging karamay,
mahigpit na hawak hawak ang iyong kamay,
pinipilit kang magpatuloy,
hanggang ang mga ideya ay dumaloy,
sa pinakahuling guhit ng letra.

a.t.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s