PARA SA MGA NAGDADALAGA AT NAGBIBINATA, PARANG KAHAPON LANG AH.

Dati dati, mga wala pa tayong pakealam sa mga itsura natin. Bahala na kahit ang itim itim na dahil sa sinag ng araw, bahala na kahit basang sisiw na sa sobra sobrang kakalaro, bahala na kahit sugat sugat basta tuloy ang laro.
Nakakatawang isipin na noong bata tayo ay lahat ng mga utos ng mga magulang natin ay sinusunod natin kasi natatakot tayo sakanila pero ngayon…kahit umabot ng ilang oras ay ipaglalaban talaga natin kung ano ang tingin nating tama.
Parang kahapon lang, pagkain at laro lang ang iniisip natin. Yang pag ibig na yan? Malayo yan sa iniisip natin noon. Parang kahapon lang, nagtatago pa tayo sa mga magulang natin kasi natatakot tayong mapalo. Parang kahapon lang, naranasan natin ang unang pagkagusto sa isang tao. Parang kahapon lang, mga magulang pa natin ang pumipili sa mga gamit natin.
Lumipas na ang panahon, ang malalaki nating bag ay napalitan ng maliliit, ang malalakas nating hagulgol ay kinikimkim na natin. Marami ng nagbago, hindi na lamang pagkain at paglalaro ang iniisip natin. Ang dating ugali na ‘bahala na’ ay napalitan na–natuto na tayong maconscious saating sarili.
Sa sobrang rami nating ginagawa, iniisip at inaalala–mapapaisip na lang tayo na sana naging bata na lang tayo habang buhay.
Para sa mga nagdadalaga, nagbibinata, para sa mga dalaga at binata na. Let’s face the fact. Huwag na tayong magbulag bulagan pa. Nandito na tayo sa stage na kailangan mas laliman pa natin ang pag iisip natin, lawakan pa ang pag uunawa natin. Sa bawat paglipas ng isang taon, tumatanda tayo.
Nakakatakot, diba? Parang roller coaster ride lang, may mga panahon na nasa baba ka, may panahon naman nasa taas ka, minsan ang bagal, minsan ang bilis pero ang pinakaimportante: kailangan lang enjoy-in.
Kasi balang araw titigil din ang roller coaster ride dahil tapos na ito. Time’s up na.
a.t.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s