LIMANG NAKATADHANA PARA SAATING DALAWA

 

Sa lawak at laki ng mundo natin, Sa dinami daming bundok at karagatan, Sa bilyong tao sa mundong ito..

..Nagkatagpo tayong dalawa. May mga bagay sa mundo na kahit anong gawin ay tinadhana talaga. Katulad sa video game na kahit anong iwas mo sa isang character ay kakalabanin mo pa rin siya kasi tinadahana siya na kalabanin mo.

At masasabi ko ang pagtatagpo nating dalawa ay isa sa pinakaunang nakatadhana saating dalawa. Magkabilang mundo tayo. Kanlungan ka, Silangan ako. Imposible sa marami pero naging posible dahil saating dalawa.

Ang pangalawang nakatadhana saating dalawa ay naging magkaibigan tayo. Ibang iba tayong dalawa. Sobra talagang iba pero kahit ibang iba tayong dalawa ay masaya ako kapag kasama ka.

Kahit hindi ko na maintindihan ang iyong pinagsasabi ay masaya pa rin ako. Kahit tignan lang kita buong araw ay sapat na yun saakin. Kahit pakinggan ko lang ang tawa mo na paulit ulit ay pwede na akong matulog ng mahimbing. Akala ko ako lang ang nakakaramdam pero hindi ko namamalayan, kumakatok ka na pala sa puso ko. At doon papasok ang pangatlong nakatadhana, nagpalagayan ng loob.

Ang pang apat na nakatadhana ang pinakamatamis sa lahat na kahit ngayon tuwing inaalala ko ay napapangiti pa rin ako. Ang pang apat ay ang nag ibigan tayo. Kumatok ka sa puso ko, pinapasok kita at ginawan kita ng kape. Pero sana hindi na lang kape ang tinimpla ko, sana juice na lang o gatas. Sana yung mas lalo pang magpapatamis sa namumuong tamis ng ating pag ibig pero ang pait ng kape ay kasing pait ng panglimang nakatadhana…

…Ang mawala ka. Pagkatapos mong ubusin ang kape ay agad ka ng lumisan. Ang sabi mo ay babalik ka na lang pero hindi ka na bumalik. Nakakatawa, dahil simple ka lamang pumasok sa puso ko pero umalis ka na sugat sugatan na ito.

Eto ang limang nakatadhana para saating dalawa na mabibilang ko lamang sa isa kong kamay dahil ang isa ko pang kamay ay hawak hawak sa pintuan ng puso ko. Nagbabakasakali na bumalik ka kasi kung babalik ka ay hindi na kita gagawan ng kape. Pero alam ko, hindi ka na babalik dahil itinadhana na hindi ka na babalik.

a.t.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s