HANGGANG SA PINAKAHULING GUHIT NG LETRA

sa mundong nadidiligan,
ng poot,
ng mga salot,
ng mga yamot,
ng mga takot,
ng mga taong nangangati,
makahanap ng kaluwagan,
sa kakulangan,
mga taong nangangati,
makahanap ng karunungan,
sa kasinungalingan,

papel at lapis ang tanging kaibigan,

sa bawat pagguhit ng letra,
ang siyang ibubura,
lulukutin,
pupunitin,
hangga’t sa ito’y masira,
lilikha muli ng panibago,
nakakagago,

kahit pabago bago,
kahit nakakapagod,
kahit paulit ulit,
kahit nakakatuliro,

ang mahalaga ay ito’y tapusin,
hindi man ngayon,
hindi man bukas,
sa susunod na araw o sa makalawa,

pipilitin,
kahit paulit ulit,
magsusulat,
kahit buburahin,
kahit na nakakarindi na ang mundo,
magpakabingi,

dahil sa mundong tinitirhan,
na ang kasamaan at kabutihan,
ay pinagsama,
hindi alam kung sino ang masama,
hindi alam kung sino ang tama,

tanging pluma ang nasa tabi,
ito ang humalik saiyong labi,
bumulong saiyong tainga,
na huwag kang maging tanga,
pinapaalala sayo,
na huwag kang makinig sa mga tuso,
at sundin lamang payo ng puso,

dahil sa mundong kinagagalawan,
papel at lapis ang tanging karamay,
mahigpit na hawak hawak ang iyong kamay,
pinipilit kang magpatuloy,
hanggang ang mga ideya ay dumaloy,
sa pinakahuling guhit ng letra.

a.t.

Advertisements

The Warlock’s Misery

“The linger of your eyes,

The sweetness of your lips,

The gentleness in your touch,

Forever I shall miss,

 

Your gentle touch,

Your sweet eyes,

You lingering lips,

Forever I shall reminisce,

 

Forever gone is the sunshine

The only thing that I could depend,

The little lights from our memories,

Stored inside of this Warlock’s misery

 

Forever I shall ask forgiveness,

Forever I shall ask for forgiveness,

Forever I shall yearn for you,

Forever I shall yearn for your acceptance,

But forever I shall remember,

That I repaid you with cowardice,

 

And now this is my punishment,

Misery inside this Warlock’s heart,

As I gaze you from afar,

With all the little lights from our memories,

Swallowed by the darkness,

 

Forever gone is the sunshine,

Forever is this warlock’s misery”

a.t.

Madali Lang Sumulat

Lahat tayo may kakayahang magsulat,

Noong bata pa tayo,

Tinuruan na tayo ng ating mga magulang o guro,

Kung paano isulat ang bawat numero at letra ng alpabeto,

 

Naalala niyo pa ba ang luha na tumatagatak saating mga pisngi,

Dahil paulit ulit at paulit ulit tayong pinapasulat,

Hanggang humasa tayo sa bawat guhit ng numero at letra,

 

Madali lang sumulat,

Dahil lahat tayo nakakapagsulat,

Kunin lang ang panulat at isang pirasong papel,

Makakapagsulat na tayo

 

Madali lang iguhit ang bawat letra,

Madali lang iguhit ang bawat numero,

Magdadagdag, magbabawas,

Napakadaling sumulat,

 

Pero mahirap mag isip ng isusulat,

Mahirap mag isip ng isusulat,

Hindi tagatak ng luha lang sa pisngi ang mapapala,

Kung hindi isang baldeng luha ang kailangan mapuno,

Hanggang hindi na luha ang lumabas kung hindi dugo,

 

Mahirap mag isip ng isusulat,

Dahil hindi madaling iguhit ang ideya,

Ideya, na matagal magpakita na tila naglalaro ng tagu taguan

Pero katulad ng iyong mahal, bigla na lang lalaho

Ideya, na bihasa magpahanap,

Pero kapag nahanap ay hindi mo agad makukuha,

 

Oo, madaling sumulat,

Pero hindi madaling mag isip ng isusulat,

Na sa dinami daming letra sa alpabeto,

Hindi alam kung paano ipagsama sama

At bumuo ng isang simpleng salita,

Na magiging parte sa damdamin ng isang manunulat,

 

Oo, madaling sumulat

Madaling sumulat ng isang letra, dalawa, tatlo

Madaling sumulat ng isang numero at paulit ulitin ito

Pero madali nga bang sumulat ng kongkreto?

Madali nga bang ipagsama sama ng letra upang

magbigay ng damdamin,

ideya,

mensahe,

sagot?

 

Sagot,

Mensahe,

Ideya,

Damdamin,

Lahat yan malalabas sa pagsulat,

Pero hindi ito madaling ilabas,

Tilla isang butas ng karayom ang lalabasan,

 

Nginig ng kamay,

Takot sa kinahahatnan,

Pagblangko ng isipan,

Pagsabunot sa pagkainis,

At paulit ulit at paulit ulit na pagbura,

 

Oo, madaling sumulat

Pero mahirap sumulat ng may puso.

a.t.

May Kwento Ba Ang Mga Talunan?

Bobo,

Tanga,

Utak munggo,

Walang kwenta,

Salot sa lipunan,

Pabigat,

Talunan,

Talunan,

Pabigat,

Salot sa lipunan,

Walang kwenta,

Utak munggo,

Tanga,

Bobo,

ISA KANG TALUNAN!

 

Talunan. Oo, isa akong dakilang talunan,

Na sabi ng mga matatanda, bagsak ko ay kangkungan,

Na kahit anong gawin ko hindi ako uusad,

Hindi ako matatapos,

At patuloy na madadapa.

 

Lagi na lang nadadapa,

Hindi lang talunan, isa pang dakilang lampa.

 

Ang sabi nila, ayos lang madapa,

Babangon ka rin,

Ayos lang yan,

Makakaahon ka rin.

 

Na balang araw matutunan mo ding lumangoy,

Na balang araw matutunan mo ding tumayo,

Sabi nila ayos lang yan,

Wag mo masyadong damdamin,

Wag mo masyadong isipin,

Wag ka masyadong magdrama,

 

Wag mong idama,

Wag mong ipagsiksikan saiyong dibdib,

Dahil balang araw,

Makakausad din.

 

 

Pero paano kung hindi na dumating ang balang araw?

Paano kung hindi na ako matutong tumayo?

Paano kung hindi na ako matutong lumangoy?

Paano kung hindi ako makabangon?

Paano kung matuluyan na akong malunod?

 

Na kahit anong gawin ko, hindi na ako makausad,

Na kahit pagpilitan kong lumangoy, sa huli ako’y malulunod,

 

Paano kung umabot na ako sa punto na ayaw ko na?

Hindi ko na kaya at hahayaan na lang lunurin ng malaking alon,

Magpatalo na lamang kaya ako,

Dahil alam ko,

Niloloko ko lang ang sarili ko,

 

Dahil isa akong talunan,

Talunan. Oo, isa akong dakilang talunan,

Na wala na akong ginawa kundi katangahan,

Na ginawa ko lang ang sarili na katatawanan,

Na etong buhay ko wala ng patutunguhan.

 

Mas maganda raw hindi na lang ako isinilang,

Na mas maganda na namatay na lang ako,

Dahil sinasayang ko lang ang buhay ko,

Na ang isang talunang katulad ko ay hindi karapat dapat dito,

 

Palagi na lang nagkakamali,

Wala ng ginawang tama,

Kamatayan na lang kaya ang aking piliin

Dahil yun naman ay saakin idinidiin

 

Pilit lumalangoy,

Kahit ako’y lunod na lunod na,

Pinagpipilitan ang sarili,

Na paghinga ay namimilipit,

 

Pilit inaabot,

Kahit ako’y binabato,

 

Pilit ginagawa ang lahat,

Dahil simple lang ang hangad,

Ayoko na maging talunan,

Kahit ako’y nagmumukhang hangal

 

Ang sabi nila huwag akong titigil,

Huwag akong magpapigil,

Sa mga boses na gumigigil,

Pinagtatawanan kung ano at sino ako,

 

Isang talunan.

 

Ang sabi nila huwag akong makinig,

Huwag akong magpayanig,

Sa mga nakakasukang tinig,

Na nagsasabi na ako’y isang dakilang hangal,

 

Isang talunan.

 

Nakakatuwa.

Nakakatawa.

Nakakapang-gigil.

Nakakapang gigil.

Nakakapang gigil!

 

Nakakapang gigil sa…galit!

Na para akong yinayanig sa kanilang salita,

 

Sa bawat saglit,

Na ako’y hinahampas nila ng mga pananalita,

Na parang mga dinamita,

Sunod sunod akong kinakatay,

Unti unti, hanggang ang kaluluwa’y mamatay

 

Hindi nila nararamdaman,

Wala silang alam!

Sila ang tunay na hangal!

Sila ang tunay na walang alam!

Dahil wala silang alam kung paano maging isang talunan,

 

Na hindi na sinundo ng balang araw,

Na napagod na ang mga paa sa kakatayo,

Na unti unting hinihila pababa,

Hangga’t matuluyan ng malunod,

 

May kwento ba ang mga talunan?

Ang mga taong lumaban pero natalo?

Ang mga taong lumaban pero sumuko?

Ang mga taong lumaban pero napagod?

 

Ang mga taong lumaban naman kahit papano.

a.t.

Ang Confession ng isang Sandalan

Written by: Athena Tampoy

           Genre: Fantasy, Random

           Agusto bente singko noong una kitang makilala.

            Malaki ang iyong mga ngiti, malakas ang iyong tawa habang nakikipagsayahan kasama ang iyong mga kaibigan. Hindi mo ako napansin pero ako, sobra pa sa pansin ang meron ako sayo.

            Ang guhit ng iyong mga labi ang una kong napansin, sumunod ang pagkinang ng iyong mga mata at hindi ko namalayan, bawat halakhak mo ako’y napapangiti. Nakakatawa dahil magkalapit lang tayo pero ang buong atensyon mo ang pagkwento ng nakakatawang kwento sa iyong mga kaibigan.

            Simula noong araw na iyon, patuloy lamang kitang pinagmamasdan. Patuloy na pinapakinggan ang iyong bawat storya, bawat biro at bawat buntong hininga. Siguro, nahuhulog na nga ako sayo pero ako, patuloy mo lamang ako sinasandalan na walang malay.

            Hindi mo din siguro namalayan na sinandalan mo ang aking puso.

            Setyembre bente dos. Mag isa ka lamang. Wala ang iyong mga kaibigan. Ang kinang ng iyong mga mata ay wala, ang guhit ng iyong labi ay iba at tanging buntong hininga lamang ang naririnig ko mula sayo.

            Gusto sana kitang lapitan. Tanungin kung may problema ka ba, magbabakasali na baka matulungan kita pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumapit lalong lalo nang bigla siyang dumating at nilapitan ka.

            Ang tanging magagawa ko lamang ay tignan kayong dalawa na mula sa seryosong usapan ay nagbibiruan at nagtatawanan. Bumalik na muli ang pagkinang ng iyong mata, nagbago muli ang guhit ng iyong labi at ang malakas mong tawa ay naririnig ko na muli.

            At dahil lahat yun sakanya.

            Masaya ako para sayo kasi sino banaman ako? Este, ano banaman ako? Sa paningin ko, ikaw ang babaeng aking pinakamamahal pero sa paningin mo, isa lamang akong munting pader.

            Ang layunin ko lamang ay maging sandalan at maging saksi sa inyong pagmamahalan.

TAKAW TINGIN

Takaw tingin.

Mukhang masarap yung pagkain, kaya akala mo masarap kaya agad mong kinuha pero sa kalagitnaan habang nakain ka ay bigla kang naumay. Dalawa lang yan: Pwede mo ipagpatuloy pero pwede mo din sukuan.

Takaw tingin.

Katulad lang sa pag ibig, akala mo masarap ang feeling ng pag ibig dahil yun ang nakikita mo ay agad agad mong ti-nry pero bigla kang naumay. Dalawa lang din yan: It’s either ipagpatuloy mo o sukuan mo.

Yun nga lang di tulad sa pagkain na walang feelings, siya meron.

a.t.

DINUDUNGAW KITA

Sinisilip kita sa gilid ng aking mga mata,

Nililingunan ang iyong direksyon,

Dinudungaw kita,

Ako’y nagbabakasali na baka dumating ang araw,

Ang araw na sa wakas ay ika’y lumingon,

Lumingon saaking direksyon,

Dinudungaw kita,

Nililingunan ang iyong direksyon,

Sinisilip kita sa gilid ng aking mga mata,

Ako’y nangangarap na sana ay lingunan mo ako,

Ako’y nangangarap na sana ay makita mo na ako,

Pero kahit anong pamimilipit ko sa leeg ko,

Ang pangarap ko ay mananatiling pangarap lamang.

a.t.

ANG STORYA NATING DALAWA

Once upon a time,
Diyan din nagsimula ang storya nating dalawa,
Katulad sa mga storya na ating nababasa,
Ang storya natin ay hindi pangkaraniwan.
Ang storya natin ay hindi isinulat ng mga bigating manunulat,
Hindi ito sinubaybayan ng maraming tao,
Pero ito ay nagsimula sa once upon a time

Ang pagtatagpo natin ay kung para sa iba, isang aksidente lamang
Pero para saakin, ito ay nakatadhana at ganun din siguro nang umibig ako sayo

Pero minsan hindi lahat ng tinadhana ay panghabang buhay
Itinadhana ang pagtatagpo natin
Itinadhana ang pagiging masaya natin
Pero hindi tinadhana na magkakaroon tayo ng magandang ending.

Nagsimula man ang storya natin sa once upon a time
Pero hindi magtatapos ang storya natin sa happily ever after
Walang happily ever after. Wakas na agad.

a.t.

Note: The title was changed. The previous title was “And they lived not so happily ever after”.

PARA SA MGA BITTER

“Mahal ko kasi siya eh.” Diba yan yung pinakasikat na linya? Gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao, hindi ka nga sigurado na papakasalan ka niya o habang buhay talaga kayong dalawa pero gagawin mo talaga para sakanya kasi, ano nga ba? Kasi “Mahal ko kasi siya eh.”

Diyan tayo magsisimula, tuloy tuloy hanggang bigla na lang siguro tayong matatamaan ng bulalakaw at mapapaisip tayo na “Shemay, Ang shunga ko kasi eh.” Tapos paulit ulit nating sasabihin yun sa sarili hanggang marerealize na lang natin na instead na kainin natin ang ampalaya, inuugali na rin pala natin.

Tapos anong susunod? “Walang forever.” Isa pa yan. Isa pa yang linyang yan. May makikita lang na nagmamahalan ay mapapasigaw na lang ng ganyan pero ano banaman magagawa natin? Eh ganyang ganyan din kayo dati eh. Magkatabi o magkayakap tapos may isang bitter sa tabi na sisigaw ng linyang yun pero syempre kayong dalawa, hindi niyo iisipin kasi nga, “May forever kayo.” Grabe, saan kaya nabibili ang forever na yan? Buti pa kayo meron pero lahat nga naman ng nasa mundo ay wala ngang forever, there’s only life time. Hanggang pagkamatay mo o pagkamatay niya.

Paulit ulit ang prosesong yun pero tandaan nating lahat, wag tayong magpakabitter. Mahirap magalit sa mundo lalong lalo sa pag ibig. Mahirap hindi din maniwala sa pag ibig kasi may dadating talagang tao para sayo na babaliktad din diyan sa paniniwala mo na walang forever.

Ayos lang magpakabitter ng medyo pero huwag gawing pangmatagalan. Always lessen your bitterness everyday, huwag mong hayaan ang sarili maging bitter kasi tandaan: kapag bitter ka ay kinukulong mo ang sarili mo sa kashungahan mo, sa kalokohan niya at sa past mo. Past is past nga naman.

a.t.

SUMAKAY AKO SA JEEPYNEY

Para sa konduktor na pinagpipilitan pa na dalawa pa kahit hindi na, pwede ba, tama na, sawang sawa na ako makipagsiksikan para bigyang daan ang iba.

Para sa katabi ko na nagmamanhid manhid-an, pwede ba, pakiaabot naman yung bayad ko, matagal na akong nangangalay at pagod sa mga taong nagpapahintay.

Para sa drayber na nagbibingi-han, pwede ba, sawa na akong hindi pinapakinggan sa lahat ng sinasabi ko.

Para sa drayber na hindi binalik ang sukli ko, pwede ba, hindi porket buo ang binigay ko ay buo mo na rin itong ikukuha at walang ibabalik para saakin.

Para sa batang namamalimos, katulad rin kita, hindi lang pera ang hinihingi ko, kundi pagmamahal.

a.t.